Wednesday, December 15, 2004

doing what we do best... magsenti.

ok, i know this may seem odd... but i'm just doing what cluB D does best, especially at this time of toil. i got this from the archives of our yahoogroups. i'm just praying that everything turns out right... i'm NOT willing to give it all up in a jiffy.

_______________________________________
Bago nabuo ang club depression
Bago nabuo ang mushroom gang...
Naruon na ang apartment sa Dos Castillas
Higit dalawang taong pagsasama sa hirap at saya
Ala-alang naiwan sa isang sulok ng daigdig
Sa Sampaloc.
Sa gilid ng UST.
Panahon ng tag-ulan at baha,
Takbuhan ng bayan.
Oras ng gimik,
Tulugan at pahingahan.
Ngayon, nakasara na ang libro.
Naka-lock na ang pinto.
Naisulat na ang huling kabanata ng buhay naminSa Dos Castillas.
Sino ba naman ang makakalimot sa libo-libong boteng alak at beer na naimbak dito?
Fundador. Gilbey's, Vodka Ice,
CruiserSan Mig Light, Colt 45, Red Horse.
Sino ba ang makakalimot sa daan daang kaha ngsigarilyong nasindihan dito?
Winston, Marlboro, DJ MixxMenthol, Lights, Medium at Reds.
Basta ba'y may bungangang umuusok at sikmurangpuno ng alak.
Maalala ng lahat ang paraiso
Sa Dos Castillas.
Sino ba naman ang makakalimot sa saya,
lungkot at galit na kaagapay ng bawat
lagok ng ng beer at bawat hithit ng
yosi?
Dito napagtibay ang pagkakaibigan.
Magkakaibang tao
Iba-ibang ugali
Sari-saring pinagmulan...
Pinagsama-sama ng Diyos sa hindi pa malamang
dahilan
Pero isa lang ang alam ko.
Hindi ako nagsisisi na sila'y bahagi nang aking buhay.
_______________________________________

0 Comments:

Post a Comment

<< Home